Eto na naman ako...
Kanina, habang patungo ako sa isang shop na nagbebenta na ang EP, naisip ko tuloy kung ano ang bbilhin ko sa 1,500 EP na bibilhin ko. Pero to my big disappointment, naubusan ng E-Points ang shop na yun! Damn!!!
Pumunta na lang ulit ako sa fave shop ko na may Audi.
At dun ko naisip na pipilitin kong magbenta sila ng E-Points. Hahahaha!
After naglaro ako dun, here is our conversation:
Ako: Kuya, sa 14 po.
ShopOwner: 16 pesos lang.
Ako: (may dinudukot kuno sa bag para medyo matagalan) Kuya, magbenta naman kayo ng E-Points tapos ako yung bibili. ( ;smil ;hoho )
ShopOwner: E-Points? Sa E-Games yan, diba?
Ako: Opo!
ShopOwner: Meron kami nyan dati eh. Sa loadcentral yun, kaso konti lang bumibili kaya na-stop.
Ako: Ah. Eh kasi dun sa pinagbibilhan ko ng EP ngayon, laging walang stock. Kung meron man, minsan lang at kakarampot.
ShopOwner: Dun pala sa kaibigan ko, sa may Cindy.net?
Ako: Dun nga ako bumibili.
ShopOwner: Ah. Hmm anu mga denomination nyan? 30 ata pinakamababa diba?
Ako: Ahm 20 po yung pinakamababa, taz 50, 100, 300, 500, then 1000.
ShopOwner: Ah ok. Sabihin ko muna kay Misis kung aprub siya dun.
Ako: ( ;shy ) Sige po! Maghihintay po ako!
Gawd!
Help me pray na magbebenta sila ng E-Points ulit!
Gusto ko na talaga bumili ng maraming EP items!
Gusto ko na rin magpakasal!